Tuesday, August 26, 2014

Filipino: Wika ng Pagkaka-isa

     







   Taon-taon ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang buwan ng wika sa buwan ng Agosto.
Sa buwan na ito, pinapaalala sa mga Pilipino ang paggamit natin ng wikang Filipino. Ang samahan ng Filipino ay gumawa ng iba't-ibang aktibidad o paligsahan na nagbibigay mensahe sa mga estudyante na ating pahalagahan ang ating wika dahil ito'y napakaimportante para ating maintindihan ang bawat isa. " Filipino: Wika sa Pagkaka-isa", ito ang tema ngayong taon na ating pagdiriwang ng buwan ng wika. At ito ay tumatalakay sa pagkaka-isa ng bawat Pilipino na magaganap kung tayo ay magkaintindihan sa paggamit ng ating wika mismo at wala ng iba.
       
         Ang pagkakroon ng sariling wika ay sadyang napakaganda. Sariling wika na ating nauunawaan at naiintindihan.Sariling wika na nagsisilbing puso at utak ng bansa upang tayo'y magka-isa. Kaya wikang Filipino ay ating pagyamanin at gamitin.

No comments:

Post a Comment